Add parallel Print Page Options

15 Ngunit sa labas ng mga ito ay mananatili ang mga aso, ang mga gumagawa ng panggagaway, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao, mga mapagsamba sa diyos-diyosan at bawat gumugusto sa kasinungalingan at ang mga sinungaling.

16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang siya ay magpatotoo sa mga bagay na ito sa inyong mga nasa iglesiya. Ako ang ugat at ang anak ni David, ang maningning na tala sa umaga.

17 Ang Espiritu at dalagang ikakasal ay nagsabi: Halika. At ang nakarinig ay dapat magsabi: Halika. Ang nauuhaw ay dapat lumapit. Ang naghahangad ay dapat uminom ng walang bayad sa tubig na nagbibigay buhay.

Read full chapter